Tauhan ni ASG leader Isnilon Hapilon, arestado sa Zamboanga City
Arestado ang miyembro ng Abu Sayaf Group at close escort ni ASG leader Isnilon Hapilon na si Hamsi Amajad Marani o HAMSI ng pinagsamang pwersa ng Joint Task Force Zamboanga at ng Zamboanga City Police Office.
Naaresto si Marani, isang bomb expert ng ASG sa Purok 4, Sitio Niyog-Niyog, Brgy. Muti sa Zamboanga City bandang 1:30am ngayong araw.
Ayon sa Joint Task Force Zamboanga, agad na iniulat sa kanila ng isang concerned citizen matapos itong makita.
Si Marani ay isang trained bomber ng isang Indonesian Jemaah Islamiyah bomb expert.
Narekober sa kanya ang mga paraphernalia sa pagbuo ng mga Improvised Explosive Devises.
Ayon naman kay Colonel Leonel Nicolas,Commander ng Joint Task Force Zamboanga, naging matagumpay ang operasyon dahil sa isanagawang close coordination sa mga miyembro ng Zamboanga City Police Office.
Aniya hindi hahayaan ng mga mamamayan ng Zamboanga ang pagkakaroon ng mga masasamang elemento sa kanilang payapang lugar.
Isinailalim sa kustodiya ng Zamboanga Police Office si Marani.
Ikinatuwa naman ni Lieutenant General Carlito G. Galvez Jr., Commander ng Western Mindanao Command ang naging matagumpay na operasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.