Sa unang linggo ng buwan ng Agosto ay tuloy na ang round 5 ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
Sa kanyang pahayag mula sa Bacolod City, sinabi ni government chief negotiator at Labor Sec. Sylvestre Bellos III na handa na ang kanilang grupo para sa resumptions ng peace talks.
Magugunita na noong May 27 ay kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing pag-uusap makaraan ang deklarasyon ng Martial Law sa buong Mindanao dahil sa pag-atake ng Maute at Abu Sayyaf Group sa Marawi City.
Hindi rin nagustuhan ng pangulo ang sunud-sunod na pag-atake sa mga tropa ng pamahalaan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA).
Ang pagpapatuloy ng peace talks ay muling gaganapin sa The Netherlands ayon pa sa opisyal.
Sa kanyang pahayag kanina, sinabi rin ni Bello na naiparating na sa kanilang mga counterparts ang nasabing balita at malugod naman umano itong tinanggap ng mga opisyal ng komunistang grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.