Virus na pumapatay sa mga tilapia posibleng pumasok sa bansa

By Den Macaranas June 17, 2017 - 03:26 PM

Inquirer file photo

Nakatutok ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa pagmomonitor sa iba’t ibang mga palaisdaan sa bansa para pinsalang pwedeng idulot ng Tilapia Lake Virus (TLV).

Sinabi ni BFAR Director Eduardo Gongona na wala namang epekto sa kaluksugan ng tao pero nakamamatay umano sa mga tilapia ang TLV na ngayon ay kalat na sa ibang bansa.

Bukod sa polusyon, sinasabing bunga ng TLV ang overstocking at ilang environmental factors na nagiging dahilan ng kamatayan ng nasabing uri ng isda.

Ayon sa BFAR kabilang sa mga bansang may mataas na kaso ng TLV ay ang Egypt, Thailand at Israel.

Kabilang sa mga palatandaan ng TLV ay ang pagkakaroon ng internal bleeding ng mga isdang tilapia na nagiging dahilan ng kanilang pagkamatay.

Sa Thailand ay namonitor na rin ang nasabing uri ng sakit sa mga Bangus at Salmon. /

TAGS: BFAR, tilapia, tlv, virus, BFAR, tilapia, tlv, virus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.