Mga evacuees galing sa Marawi City tatanggap ng pera sa DSWD

By Chona Yu June 17, 2017 - 11:35 AM

Sisimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng isang libong pisong pinansyal na ayudsa sa mga lumikas na pamilya mula sa Marawi City.

Gagawin ang pamamahagi ng persa sa June 23 at 24 sa mga pamilyang nananatili sa mga evacuation centers at sa mga piniling pansamantalang makituloy sa mga kamag-anak at kaibigan.

Sa talaan ng DSWD, aabot sa 69,000 na pamilya ang apektado ng kaguluhan sa Marawi City.

Ayon sa DSWD, ang isang libong pisong cash assistance ay alinsunod na rin sa suwestiyon ng ilang opisyal ng Lanao del Sur para may maipambili ng pagkain ang mga apektadong pamilya  pagtatapos ng Ramadan sa June 26.

Ang nasabing halaga ay bukod pa sa mga relief goods na tinatanggap ng mga ito sa bawat araw na pananatili nila sa mga evacuation centers sa labas ng Marawi City.

TAGS: cash, dswd, marawi, Martial Law, Maute, cash, dswd, marawi, Martial Law, Maute

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.