AFP: Ilang Maute members posibleng nakalabas na ng Marawi City
Posibleng nakatakas na ang ilang miyembro ng Maute terror group na nagpaputok ng kaguluhan sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, bumaba ang bilang ng mga terorista kung saan hindi na aniya maaaring makapagsagawa ang grupo ng malakihang pag-atake.
Sa press briefing sa Malacañang, isiniwalat ni Padilla na posibleng tumakas ang ilang terorista kasabay ng mga evacuees o bakwit malapit sa Iligan at Cagayan de Oro.
Sa kabila nito, siniguro ni Padilla ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad upang mabantayan ang galaw ng mga kahina-hinalang indibidwal na maaaring maghasik ng lagim sa mga nabanggit na lungsod.
Aniya pa, bumaba rin ang kapabilidad ng mga nakatakas na terorista kung kaya’t imposible nang gawin muli ang pag-atake.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.