7 U.S Navy crew nawawala sa salpukan ng USS Fitzgerald at merchant ship

AP

Pitong mga U.S Navy personnel ang inulat na nawawala makaraang banggain ng Philippine-registered merchant vessel na ACX Crystal ang USS Fitzgerald sa karagatang sakop ng  Yokosuka, Japan.

Sinabi ng U.S navy na kanila nang sinabihan ang mga kaanak ng kanilang mga nawawalang crew makaraan ang insidente.

Sa paunanang ulat ng Japanese Coast Guard, sinasabing binangga ng ACX Crystal ang staboard o kanang bahagi ng U.S destroyer na naging dahilan para pasukin ito ng tubig.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nawasak pati ang radar system nito ayon pa sa report.

Wala namang inilabas na ulat ang mga otoridad kaugnay sa mga tinamong pinsala ng ACX Crystal.

Inamin rin ng U.S Navy na kabilang sa mga sugatan ang mismong Commanding Officer ng USS Fitzgerald na si Commander Bryce Benson.

Si Benson kasama ang iba pang mga nasaktan ay kaagad na U.S Naval Hospital sa Yokosuka na siyang Headquarters ng 7th Fleet.

“U.S. and Japanese support from the Navy, Maritime Self Defense Force and Coast Guard are in the area to ensure that the sailors on USS Fitzgerald have the resources they need to stabilize their ship.  Thank you for your well wishes and messages of concern. All of our thoughts and prayers are with the Fitzgerald crew and their families”, ayon kay Admiral John Richardson ng U.S 7th Fleet.

Read more...