Simula sa July 1 ng kasalukuyang taon ay magiging P15 na mula sa kasalukuyang P10 ang minimum fare para sa unang 14 kilometers sa ruta ng Philippine National Railways (PNR).
Sa kanilang inilabas na advisory, dagdag na P5 rin ang kanilang sisingilin sa bawat zone o himpilan ng tren.
Ang PNR na kasalukuyang may ruta mula Tutuban sa Maynila hanggang sa Alaban, Muntinlupa City ay mayroong labingwalong mga istasyon.
Nauna na ring sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na kasado na ang plano sa muling pagbubukas ng Bicol Express pati na rin ang inisyal na plano para sa North Rail Project na may rutang Tutuban hanggang sa Malolos, Bulacan.
Susundan naman ito ng phase 2 ng proyekto na may rutang Malolos, Bulacan hanggang sa Clark sa lalawigan ng Pampanga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.