Sa ilalim ng programang #OgopMarawi, ay binibigyan ang mga ordinaryong mga Pilipino ng pagkakataong makapagpadala ng liham sa tropa ng gobyerno.
Ito ay para bigyan ang mga ito ng lakas na loob habang isinasagawa nila ang kanilang tungkulin na protektahan ang bansa.
Nahahati sa tatlong sub-programs ang #OgopMarawi, ito ang disaster relief drive para sa mga nagsilikas ng mga pamilya, ang educational and community support sa mga kabataan sa pamamagitan ng Start Up project at ang moral support and care packages para sa mga sundalo na mula naman sa Project Shoebox.
Ang Marawi ang kapitolyo ng Lanao Del Sur, ang isa sa pinakamahirap na lalawigan na siya sentro ngayon ng bakbakan ng Maute group at Armed Forces.