Pinalakas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang pagbabantay sa mga business establishments upang mahinto ang child labor pagdating ng taong 2025.
Ayon kay DOLE Planning Service Director Adeline de Castro masusi silang nakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan hanggang sa mga barangay.
Aniya nasa isang milyong kabtaan ang kanilang layon na mapalaya mula sa child labor lalo na iyong mga nasa sektor ng agrikultura at pagmimina.
Sinisiguro naman ng mga inspection team ang pagsunod ng mga establisiyemento sa ibat-ibang panuntunan.
Ito ay para mabantayan ang maipatupad ang mga kasama na ang batas na nagbabawal sa child labor./
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.