PNP, susuriin ang security protocols ng mga private security agencies

Susuriin ng Philippine National Police (PNP) ang mga security protocols ng mga shopping malls, hotels at iba pang mga commercial establishments lalo na sa Metro Manila.

Nagbigay ng direktiba ang Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) ng PNP sa mga security agencies na magsumite bago o sa mismong June 19 para sa kanilang mga security plans para suriin.

Ang mga bigong makakapagsumite ay mahaharap sa parusa.

Kasama rin sa naturang memorandum ni SOSIA director Chief Supt. Jose Mario Espino, ang pagsusumite ng mga security plans ng mga security agencies sa iba pang rehiyon sa regional police civil security units.

Aabot sa 1,384 security agencies ang nakarehsitro sa SOSIA kung saan sa 793 ang sa Metro Manila.

Kasunod ito ng naging insidente na naganap na sa Resorts World Manila kung saan nasa 38 katao ang namatay kabilang ang suspek na si Jessie Carlos.

Read more...