Kadamay, nagbanta ng mas marami pang pag-ukopa

By Rod Lagusad June 17, 2017 - 05:21 AM

Nagbanta ang mga miyembro ng Kadamay ng mas marami pang pag-ukopa sa mga hindi nauukopang mga public housing projects tulad ng ginawa nila sa Pandi, Bulacan noong Marso.

Nagtungo ang grupo sa harap ng main office National Housing Authority (NHA).

Kasunod nito, matapos ang mapaso ang ibinigay na deadline ng NHA sa mga pulis at militar na okupahin na ang mga housing units na una nang nai-award o naibigay sa kanila.

Ayon kay Kadamay Chair Gloria Arellano, sinabi sa kanila ng mga opisyal ng NHA na ilalabas sa susunod na linggo ang listahan ng mga opisyal at ang mga units na uukopahan ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Aniya sinabi sa kanila na hindi pa naisasapinal ang listahan nito.

May nakatakdang dayalogo ang Kadamay kay NHA General Manager Marcelino Escalada Jr. sa Lunes.

TAGS: armed forces of the philippines, Gloria Arellano, Kadamay, National Housing Authority, Philippine National Police, armed forces of the philippines, Gloria Arellano, Kadamay, National Housing Authority, Philippine National Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.