UMak, bukas sa mga estudyante mula Marawi

By Rod Lagusad June 17, 2017 - 05:21 AM

Bukas ang University of Makati (UMak) at nag-aalok ng scholarship sa mga estudyante mula Marawi City at sa mga anak ng mga sundalo namatay sa bakbakan.

Ayon kay Makati City Mayor Abigail Binay, tutulungan ng lokal ng pamahalaan ang mga kabataang naapektuhan ng ng nagaganap na bakbakan para mapagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo sa kabila ng naturang krisis.

Dagdag pa ni Binay, kanila din tutulungan ang mga anak ng mga sundalong nagsakripisyo ng buhay para bayan.

Nakahanda na ang help desk sa Admissions Office nito para tulungan ang mga estudyante na gustong magpatuloy ng kanilang pag-aaral.

Sinabi naman ni UMak Center for Guidance, Admission, Testing and Scholarships (CGATS) Director Annaliza Arcega na patuloy silang tatanggap ng mga estudyante kahit lagpas na ng June 19, ang unang araw ng klase ng nasabing unibersidad.

TAGS: Abigail Binay, makati city, Marawi City, University of Makati, Abigail Binay, makati city, Marawi City, University of Makati

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.