Buntis at 3 iba pa, sugatan sa sunog sa Zambales
Sugatan ang isang buntis at tatlong iba pa sa sunog sa isang gasolinahan sa Iba, Zambales.
Nagsimula ang sunog alas 10:30 ng umaga sa Starport gas station sa Barangay Zone 1.
Ayon municipal fire marshal FO3 Recto Ecalnir, umabot lang sa unang alarma ang sunog at agad na naapula.
Gayunman, isang buntis na nakilalang si Joyce Toralba ang nagtamo ng sunog sa katawan. Nagtatrabaho si Toralba sa isang commercial stall malapit sa gasolinahan.
Nagtamo naman ng first at second degree burns ang mga empleyado ng gas station na sina Bernard Modelo, 47 anyos; Jerry Millama, 56 anyos; Principe Latorero, 32 anyos at Erwin Esteva, 33 anyos.
Inaalam pa ng Fire investigators kung ano ang pinagmulan ng apoy.
Pero iniimbestigahan na kung naipatutupad ba ng maayos ang safety measures sa gasolinahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.