9 hanggang 14 na bagyo ang papasok sa bansa hanggang Nobyembre

Photo from Phil Air Force

Aabot sa 9 hanggang sa 14 na bagyo ang inaasahang papasok sa Philipine Area of Responsibility (PAR) mula Hunyo hanggang Nobyembre.

Ayon kay Dr. Esperanza Cayanan, pinuno ng weather division ng PAGASA, hindi inaasahan na makararanas ng La Niña sa bansa ngayong taon.

Gayunman, dahil tag-ulan na ay aabot sa hanggang 14 ang bagyong papasok sa PAR.

Ngayong linggong ito, sinabi ni Cayanan na magiging maganda pa ang panahon at walang papasok na bagyo.

Samantala sa June 21, mararanasan naman ang summer solstice o ang pinakamahabang pagsikat ng araw.

 

 

Read more...