65 katao pinangangambahang nasawi sa Grenfell Tower fire sa London

By Dona Dominguez-Cargullo June 16, 2017 - 07:04 PM

AP Photo

Pinangangambahan ng mga otoridad na nasawi ang aabot sa 65 katao sa sunog na tumupok sa buong Grenfell Tower sa London.

Sa ngayon ayon sa mga otoridad, 17 katao na ang kumpirmadong nasawi, pero posibleng madagdagan pa ang bilang.

Sa ulat ng ng pahayagang ‘Sun’ ang 65 pang nawawala ay pinangangambahang nasawi sa sunog.

Patuloy pa ang paghagilap ng London police at mga bumbero sa mga residente ng Grenfell na iniulat na nawawala.

 

TAGS: fire, grenfell tower, london, fire, grenfell tower, london

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.