IS leader Abu Bakr Al-Baghdadi posibleng napatay sa airstrike sa Syria

AP PHOTO

(BREAKING) Posible umanong napatay sa airstrike sa Syria ang leader ng Islamic State na si Abu Bakr Al-Baghdadi.

Ayon sa pahayag ng Russian Defense Ministry, inaalam na nila ngayon ang impormasyon hinggil sa posibilidad na napatay si Al-Baghdadi sa Russia-led airstrike sa Syria.

Ang Russian Su-34 aircraft at Su-35 multirole fighter ay nagsagawa ng airstrike malapit sa IS stronghold na Raqqa noong May 28.

Target umano ng strike ang mga high-ranking officials ng IS na noon ay nagpupulong at kasama umano noon sa pulong si Al-Baghdadi.

“According to information that is being checked through various channels, IS leader Ibrahim Abu-Bakr al-Baghdadi, who was killed as a result of the strike, was also present at the meeting,” ayon sa pahayag ng Russian Defense Ministry.

Si Al-Baghdadi ay mayroong patong na £20 million sa ulo.

 

 

 

Read more...