Bahay ng pamilya Boniel sa Cebu, sinalakay ng mga otoridad
Sinakalay ng mga pulis ang tatlong palapag na bahay ng mag-asawang Bohol Board Member Niño Rey Boniel at Bien Unido Mayor Gisela Boniel sa loob ng isang subdivision sa Barangay Guadalupe, Cebu City.
Ayon kay Senior Insp. Windell Abella ng Regional Special Operations Group (RSOG), ginawa ang pagsalakay sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Ramon Daomilas ng Cebu City RTC Branch 11.
Hinahanap ng mga otoridad ang Glock 17 caliber mm pistol na mayroong serial number GLT 255 at nakarehistro kay Niño na siyang pangunahing suspek sa pagpatay sa kaniyang misis.
Hinalughog ng pulisya ang sala, master bedroom, dalawa pang kwarto at guest room sa bahay pero bigo ang mga otoridad na mahanap ang baril.
Sa record ng Police Regional Office sa Central Visayas, napaso na ang permit to carry ni Niño noong 2015.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.