Dating Senador Bong Revilla, pinayagang bumista sa kaniyang may sakit na ama

By Dona Dominguez-Cargullo June 16, 2017 - 12:51 PM

FILE PHOTO

Pinayagan ng Sandiganbayan ang kahilingan ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., na payagan siyang makalabas ng bilangguan para mabisita ang may sakit niyang ama.

Sa desisyon ng Sandiganbayan 1st division, maaring makalabas mula sa kaniyang detention cell si Revilla para mapuntahan ang amang si Ramon Revilla Sr., na ngayon ay naka-confine sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City.

Batay sa desisyon, sa June 19, araw ng Lunes, pinayagan si Revilla na makapunta sa ospital alas 6:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga.

Sa June 20 naman araw ng Martes, pinayagan si Revilla mula alas 11:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.

Mas maiksi ang pinagbigyang oras ng Sandiganbayan kumpara sa original na oras na hirit ng kampo ni Revilla.

Sa kaniya kasing misyon, nais ni Revilla na payagan siya mula 6AM hanggang 12NN sa Lunes at 2PM hanggang 8PM sa Martes.

Ang nakatatandang Revilla ay mayroong sakit sa puso at nakatakdang sumailalim sa operasyon.

 

 

 

 

TAGS: Bong Revilla, plunder, Senator, Bong Revilla, plunder, Senator

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.