59 refugees mula Marawi City, nasawi sa iba’t ibang sakit

By Dona Domiguez-Cargullo June 16, 2017 - 11:53 AM

PHOTO CREDIT: CAI PANLILIO

Aabot sa 59 na nagsilikas mula sa Marawi City ang nasawi matapos tamaan ng sakit.

Ayon kay Department of Health (DOH) Sec. Paulyn Jean Ubial, 19 sa mga nasawi ay nasa mga evacuation camps na ang iba ay dati nang maysakit habang ang iba naman ay nagkasakit sa evacuation center.

Habang ang 40 iba pa ay wala naman sa evacuation centers nang sila ay pumanaw at dehydration naman ang tumama sa kanila.

Sa ngayon, ayon kay Ubial, mayroon pang mga evacuees na may sakit gaya ng sakit sa puso, cancer, at ang iba ay sumasailalim sa dialysis.

Nasusuri naman aniya sila sa ospital ng gobyerno.

Mayroong 68 evacuation centers ngayon na tinutuluyan ng 20,627 katao o 4,249 na pamilya na pawang nagsilikas mula sa Marawi City.

Ang mga evacuation centers ay nasa Iligan City, Lanao del Norte, Misamis Oriental, at Lanao del Sur.

Minomonitor ng DOH ang mga evacuees dahil kadalasang nakararanas ng sakit ang mga lumilikas gaya ng acute gastroenteritis, upper respiratory tract infection, diarrhea at skin diseases.

Araw-araw aniyang nagsasagawa ng pagsusuri ang mga duktor at health workers sa mga lumikas na residente para matugunan ang pangangailang medikal ng mga ito.

 

TAGS: evacuation camps, Marawi City, marawi siege, evacuation camps, Marawi City, marawi siege

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.