Napatay na mga terorista sa bakbakan sa Marawi, nadagdagan pa

By Dona Dominguez-Cargullo June 16, 2017 - 11:00 AM

UPDATE: Umabot na sa 225 ang bilang ng mga teroristang nasawi sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Armed forces of the Philippines (AFP) spokesperson B/Gen. Restituto Padilla na sa 225 na bilang ng mga nasawing miyembro ng Maute group, mahigit kalahati ang narecover nila ang katawan.

Nananatili naman sa 26 ang bilang ng sibilyang nasawi, at nasa 1,629 ang nailigtas ng mga sundalo.

Limampu’t siyam naman ang mga tropa ng pamahalaan na namatay sa bakbakan.

Ayon kay Padilla, nananatili sa apat ang itinuturing nilang problematic barangays.

Kontrolado naman na aniya ng pwersa ng pamahalaan ang lahat ng labasan at pasukan sa apat na barangay na kinaroroonan ng mga kalaban.

Gayunman, maingat na maingat aniya ang kailangang maging kilos ng mga sundalo dahil nag-iwan ng patibong ang Maute sa bawat sulok at kanto ng mga kinubkob nilang lugar.

Kaugnay naman sa balita na mayroong mahigit isang daang mga bangkay na nakita ang mga nakatakas at nailigtas na sibilyan, sinabi ni Padilla na nananatili ang kanilang utos sa kanilang pwersa na i-retrieve ang makikita nilang casualties sa mga mapapasok nilang lugar.

 

TAGS: Lanao Del Sur, Marawi City, marawi siege, maute terror, Lanao Del Sur, Marawi City, marawi siege, maute terror

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.