Hinihinalang tulak ng droga, patay matapos tambangan sa QC

By Cyrille Cupino June 16, 2017 - 10:23 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang lalaki at kritikal ang isa pa matapos pagbabarilin habang nagkakape sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Manuel Borbe, 38 anyos, isang construction worker.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Vivian, nakatambay lamang habang nagkakape ang kanyang kapatid kasama ang kaibigan nito na si alyas ‘Jeffrey’ nang tambangan ng tatlong naka-bonnet na suspect.

Aminado naman ang kapatid ng biktima na gumagamit at nagbebenta rin ng iligal na droga ang kanyang kapatid.

Nagpaalam pa umano ito sa kanyang asawa bago ito umalis kagabi, at nagsabing posibleng huling uwi niya na sa pamilya dahil sa mga natatanggap niyang banta sa kanyang buhay.

Dinala naman sa East Avenue Medical Center si alyas ‘Jeffrey’ at nasa kritikal na kundisyon ngayon.

Nakuha sa crime scene ang apat na basyo ng caliber .45.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Quezon City Police sa nasabing insidente ng pananambang.

 

 

TAGS: quezon city, Shooting Incident, quezon city, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.