Foreign journalist na tinamaan ng bala sa Marawi, isinailalim na sa operasyon

By Dona Dominguez-Cargullo June 16, 2017 - 09:47 AM

Twitter Photo | Adam Harvey

Isinailalim sa operasyon ang dayuhang journalist na tinamaan kahapon ng bala mula sa mga sniper ng kalaban habang nasa labas ng Lanao del Sur Capitol Complex.

Si Adam Harvey ng Australian Broadcasting Corporation (ABC) ay dinala sa Metro Manila kagabi para sa operasyon dahil kailangang alisin ang bala ng baril na nasa kaniyang leeg.

Sa kaniyang post sa twitter, sinabi ni Harvey na tumagal ng isang oras ang operasyon sa kaniya sa Makati Medical Center bago matagumpay na maalis ang bala.

Sinabihan umano siya ng duktor na maswerteng hindi umabot ang bala sa ‘carotid artery’ dahil mas magiging delikado ito para sa kaniya.

“What a legend – Dr Emmanuel Ibay – spent an hour teasing bullet from my neck. It stopped 1cm from the carotid artery. ‘Home run’ if it hit,” ayon sa Twitter post ni Harvey.

Dahil sa nasabing insidente, mas lalong naghigpit ngayon ang mga otoridad sa mga mamamahayag nanagco-cover sa Marawi.

Hindi basta-basta pinapapasok sa Marawi lalo na kung hindi naka-vest at naka-helment.

Ayon kay Brig. Gen. Restituto Padilla, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), tanging si Harvey ang nag-iisang mamamahayag na nasa labas ng gate ng complex nang tamaan siya ng bala.

TAGS: adam harvey, Marawi City, marawi siege, Maute Terror Group, adam harvey, Marawi City, marawi siege, Maute Terror Group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.