9 na magkakasunod na aksidente naitala ng MMDA

August 27, 2015 - 11:01 AM

EDSA TRAFFIC/ OCTOBER 28, 2014 Slow moving traffic at Edsa  INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER FILE PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Sa loob lamang ng halos dalawang oras, nakapagtala ng siyam na magkakasunod na vehicular accidents ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na lalo pang nagpatindi sa masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Unang naitala ng MMDA ang multiple collision sa C5 kanto ng Greenmeadows kung saan apat na sasakyan ang sangkot matapos na magbeat ng traffic lights ang isang kulay puting Toyota Fortuner.

Ang nasabing multiple collision ay sinundan na ng walo pang aksidente sa iba’t-ibang major roads sa Metro Manila.

Sa abiso ng MMDA sa kanilang official twitter account, unang naganap ang aksidente sangkot ang dalawang motorsiklo sa Westbound lane ng Marcos highway alas 6:36 ng umaga.

Sinundan ito ng isa pang aksidente alas 6:52 ng umaga sa kahabaan ng C5 sangkot ang isang pampasaherong jeep at motorsiklo.

Sa EDSA, nagkaroon din ng aksidente sa pagitan ng isang pampasaherong bus at isa na namang motorsiklo alas 6:53 ng umaga sa bahagi ng Santolan MRT station southbound lane.

Ilang minuto lamang ang nakalilipas, nagkaroon muli ng aksidente sa southbound lane ng C5 sa labagi ng Libis, St. Ignatius, kung saan sangkot ang isang AUV at pampasaherong jeep alas 7:06 ng umaga.

Sa Quezon Avenue naman sa Quezon City, nagkabanggaan ang isang pick-up at isang UV express bahagi ng Sto. Domingo alas 7:11 ng umaga.

Makalipas ang apat na minuto, muling nag-abiso ang MMDA ng isa pang aksidente dakong alas 7:15 ng umaga sa bahagi ng EDSA northbound lane sa Santolan loading bay sangkot ang isang SUV at pick-up.

Ang ika walong aksidente ay naitala sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa kanto ng Tandang Sora westbound lane sangkot ang isang taxi at AUV alas 7:22 ng umaga.

At dakong alas 8:05 ng umaga ay naitala ang pang siyam na aksidente sa southbound lane ng EDSA Buendia sangkot ang isang kotse at AUV.

Nakapagtala din ang MMDA ng dalawang kaso ng stalled vehicles, ang una ay sa Roxas Boulevard kanto ng Quirino Ave. at ang ikalawa ang sa bahagi ng Greenhills Ortigas na nakadagdag pa sa masikip na daloy ng trapiko./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: heavy traffic in metro manila, heavy traffic in metro manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.