11 sibiliyan na nasawi sa Marawi siege, nailibing na

CONTRIBUTED PHOTO | JOE TORRES

Inilibing na sa Iligan City ang mga labi ng 11 sibilyan na nasawi sa Marawi siege.

CONTRIBUTED PHOTO | JOE TORRES

Hindi na nakilala ang mga labi at wala ring nag claim sa kanila.

Kinabibilangan sila ng 6 na lalaki, 4 na babae at 1 batang babae

Ang 11 mga nasawi ay kabilang sa 20 na naunang dinala sa Capin Funeral homes sa Iligan City noong May 23.

Sa Dalipuga Cemetery inilibing ang mga labi at sinagot ng Crisis Management Committee ag gastos sa pagpapalibing.

Nakuhanan naman na ng DNA samples ng otoridad ang mga labi para magamit sakaling dumating ang panahon na mayroong maghahanap ng kanilang mga kaanak.

 

Read more...