Embahada ng Pilipinas sa UK, bigo pa ring matukoy ang bilang ng mga Pinoy na naapektuhan sa sunog
Nananawagan ang Philippine Embassy sa United Kingdom sa mga Pinoy na apektado ng sunog sa Grenfell Tower.
Sa statement ng Embahada, binista na nila ang mga center at ospital kung saan dinala ang mga biktima pero bigo silang matukoy ang eksaktong bilang ng mga apektadong Pinoy.
Kaugnay nito, hiniling na ng embahada sa mga Pinoy at sa mga Filipino-British nationals na apektado ng sunog na makipag-ugnayan sa Embahda.
“The embassy requests Filipino and Filipino-British nationals who were affected by the fire to make themselves known so that we could channel the efforts of both Embassy and the Filipino communities in the UK toward delivering the assistance you need in these trying times and beyond,” ayon sa abiso ng embahada.
Maaring makipag-uganayan sa embahada ang mga pinoy na apektado sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa [email protected] o ‘di kaya ay mag-text sa 07802790695.
Patuloy namang pinaghahanap ang Pinay na si Ligaya Moore na residente ng Grenfell Tower.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.