Biyahe ng MRT balik na sa normal ngayong umaga
Balik na muli sa normal ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT).
Ayon sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), balik na sa normal ang biyahe ng MRT ngayong Biyernes ng umaga, June 16.
Ayon sa DOTr, labing walong tren ang unang napabiyahe sa pagbubukas ng MRT.
Balik na din sa 40 kilometers per hour ang bilis ng andar ng mga tren.
Kahapon matinding perwisyo ang dinanas ng mga pasahero makaraang ipatupad ang mas mabagal na andar ng mga tren na 20 kilometers per hour lamang at binawasan din ang bilang ng pinabyaheng tren.
Isinailalim kasi sa inspeksyon ang ilang tren matapos makitaan ng sira sa axle.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.