Pinay, patuloy na nawawala Grenfell Tower fire sa London

By Kabie Aenlle June 16, 2017 - 04:19 AM

 

Kabilang ang isang Filipina na mag-isang naninirahan sa nasunog na high-rise building sa London sa mga residenteng nawawala pa rin hanggang ngayon.

Ayon kay Sen. Joel Villanueva, si Ligaya Moore na miyembro ng Jesus Is Lord Movement (JIL) ay napa-ulat na nawawala sa malagim na sunog na tumupok sa Grenfell Tower.

Ani Villanueva, hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam kung nasaan si Moore.

Nakipag-ugnayan aniya ang Philippine Embassy sa London sa JIL tungkol sa pagkawala ni Moore na naninirahan sa 21st floor ng naturang apartment building na may 27 palapag.

Isa aniyang regular attendee ng JIL church si Moore na katapat lang ng Grenfell Tower.

Una nang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na may mga Pilipinong nasugatan sa nasabing sunog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.