Teroristang grupo sa Marawi, lumiliit na ang mundo-AFP
Patuloy ang paglapit ng puwersa ng pamahalaan sa sentro ng Marawi kung saan nagkukuta pa rin ang Maute group na lumusob sa naturang lungsod may mahigit tatlong linggo na ang nakalilipas.
Sinabi ni Lt. Col. Jo-ar Herrera, tagapagsalita ng 1st Infantry Division ng Army, unti-unting napapasok na ng militar ang loob na bahagi ng sentro ng lungsod sa pag-asang mababawi na ito sa teroristang grupo.
Tinatayang nasa pagitan aniya ng 150 hanggang 200 mga Maute at Abu Sayyaf group members ang nananatiling nagkukubli sa iba’t-ibang establisimiyento sa sentro ng lungsod.
Nasa 300 hanggang 500 mga sibilyan pa rin naman aniya ang nananatiling stranded sa gitna ng ‘battle zone’ na sinisikap na i-rescue ng militar.
Hanggang sa ngayon aniya ay patuloy na tumatanggap ng paghingi ng tulong sa pamamagitan ng tawag sa telepono at text ang militar mula sa mga sibilyang hindi makaalis sa kanilang mga tahanan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.