‘Tent City’ itatayo para sa Marawi evacuees
Nagtatayo na ng ‘tent city’ ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na magagamit ng mga evacuees na tumatakas sa kaguluhan sa Marawi City.
Ayon kay ARMM Governor Mujiv Hataman, ito ay upang mabawasan ang siksikan sa mga evacuation centers at maiwasan rin ang posibilidad ng pagkalat ng iba’t-ibang uri ng sakit dulot ng congestion sa mga naturang lugar.
Paliwanag pa ni Hataman, malaki ang posibilidad na marami sa mga apektadong pamilya ng gulo sa Marawi ang wala nang tahanan na uuwian sakaling matapos na ang gulo sa lungsod dahil sa pinsala ng bakbakan.
Ito aniya ang dahilan kaya’t bahagi ng kanilang plano ay ang magtaguyod ng ‘tent city’ na sa pagitan ng Marawi at bayan ng Saguiaran sa Lanao Del Sur na maaring tirhan ng mga evacuees.
Sa kasalukuyan, nasa 200,234 ang atng bilang ng mga nagsipaglikas na residente ng Marawi na namamalagi sa iba’t-ibang evacuation centers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.