Pagbabawal ng AFP sa isang grupo na magsagawa ng relief ops sa Marawi, binatikos

By Kabie Aenlle June 16, 2017 - 04:29 AM

 

Binanatan ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos nitong pagbawalan ang Kalinaw Mindanao National Interfaith Humanitarian Mission na pumasok sa Marawi City.

Ito’y sa kabila ng pag-presenta ng grupo ng mga kaukulang papeles mula sa Office of the Civil Defense (OCD) para sa kanilang relief operation.

Ayon kay Zarate, mamimigay sana sila ng 400 na relief packs, ngunit ayaw silang papasukin ng mga sundalong nakatalaga sa checkpoint malapit sa Marawi, base sa utos ng isang Capt. Mocsan.

Ang naturang misyon aniya na kaniyang pinamumunuan ay kinabibilangan rin nina dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño at Gabriela Rep. Arlene Brosas.

Ani Zarate, sinabihan ng mga civilian authorities sa kanilang delegasyon na wala silang magagawa sa utos na ito dahil ang Marawi ay nasa ilalim ng martial law.

Habang hindi talaga sila pinapasok, nakakita sina Zarate ng mga relief trucks mula sa ibang ahensya at organisasyon na pinayagang makalusot.

Malinaw aniya na hindi lang ito basta isyu ng hindi pagpapapasok, at sa palagay niya ay may tinatago sa kanila ang AFP.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.