Kanselasyon ng kontrata ng DOTr sa BURI, iginiit ni Cong. Nograles

By Erwin Aguilon June 15, 2017 - 09:31 PM

Hinikayat ng isang mambabatas ang Department of Transportation na kanselahin na ang kontrata sa maintenance provider ng MRT na Busan Universal Rail Incorporated o BURI dahil sa palpak na operasyon ngayon ng MRT3.

Ayon kay PBA Rep. Jericho Nograles, nagsumite siya ng liham sa tanggapan ni Transportation Secretary Arthur Tugade para igiit ang pagkansela sa kontrata nito sa BURI at pagsasagawa ng public bidding para sa bagong maintenance contract.

Sinabi ni Nograles nakasaad sa kanyang liham ang mga iregularidad sa joint venture na pinasok ng gobyerno na nagkakahalaga ng P3.8 bilyon.

Iginiit nito na mas mabilis pa ngayon ang takbo ng karo ng patay at mas ligtas pang sakyan dahil sa bagal na takbo ng MRT na nagdudulot pa ng mahabang pila sa mga istasyon.
|
Isinisi rin ng kongresista sa nakaraang administrasyon ang nararanasan ng commuters sa MRT dahil sa panay kuha ng mga palpak na maintenance provider.

Ang hakbang ay ginawa ng mambabatas matapos gawing labinlima ang mga operational na tren mula sa dalawampu at ibaba sa 20 KPH ang takbo nito.

TAGS: BURI, MRT, PBA Rep. Jericho Nograles, Secretary Arthur Tugade, BURI, MRT, PBA Rep. Jericho Nograles, Secretary Arthur Tugade

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.