Malakanyang, pinag-iingat ang mga mamamahayag na nagko-cover sa Marawi City
Pinupuri ng Malakanyang ang lahat ng media na nagko-cover ng sitwasyon sa Marawi City.
Gayunman, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na walang istorya na mas mahalaga kaysa sa buhay.
Ani Abella, nauunawaan naman ng Palasyo ang tawag ng propesyon sa mga taga-media.
Pero mas mainam aniya na mag-ingat at maging ligtas sa gitna ng pagko-cover sa giyera.
Apela pa ni Abella sa mga mamamahayag na manatiling totoo sa kanilang trabaho sa pamamagitan ng paglalahad ng “timely, accurate and relevant news” sa mga tao.
Reaksyon ito ng Malakanyang kasunod ng ulat na sugatan ang isang foreign journalist na nagko-cover ng kaguluhan sa Marawi City.
Ang biktima ay kinilalang si Adam Harvey ng Australian Broadcasting Corporation na tinamaan ng bala sa kaliwang bahagi ng leeg.
Sinasabing galing sa mga sniper ng Maute group ang tumamang bala kay Harvey.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.