Kasong carnapping dapat gawing non-bailable offense ayon sa PNP-HPG

carnap
Inquirer File Photo

Umapela ang Highway Patrol Group ng Philippine National Police sa mga mambabatas na amyendahan ang batas na nagpapataw ng parusa sa kasong carnapping.

Ayon kay PNP-HPG Chief Supt. Arnold Gunnacao, panahon na para mabigyang pansin ng mga mambabatas ang Republic Act Number 6539 o An act preveneting and penalizing carnapping.

Sinabi ni Gunnacao na dapat ay gawin ng non-bailable o hindi mapayagang makapagpiyansa ang sinumang masasampahan ng paglabag sa nasabing kaso.

Sa ngayon kasi ay maaari pa ring makalaya ang mga nasa sindikato ng carnapping kaya paulit-ulit lang sila na nakakakapambiktima.

Sa kasalukuyan ay may nakabinbing panukalang batas para gawing non-bailable ang nasabing krimen at umaasa si Gunnacao na sana ay maaprubahan na ito bilang isang ganap na batas sa lalong madaling panahon.

Aminado si Gunnaco na sadyang walang ngipin ang anti- carnapping law kaya patuloy ang maliligayang araw ng mga carnappers./ Dona Dominguez-Cargullo

Read more...