Ilang Pilipino, sugatan sa sunog sa London

AP Photo

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na base sa Embahada ng Pilipinas sa London ay may ilang Pilipino na kasama sa mga nasugatan sa malaking sunog na tumupok sa Grenfell Tower sa London kahapon.

Sa briefing sa Palasyo, sinabi ni Abella na nakikiramay ang Malakanyang sa mga biktima ng sunog.

Pagtitiyak ni Abella, “on top of the situation” ang gobyerno para bigyang ayuda ang mga apektadong Pinoy.

Patuloy din aniya ang pag-monitor ng embahada ng Pilipinas.

Umabot sa 12 katao ang namatay habang nailigtas naman ang 65 residente na na-trap sa gusali habang ang ilan naman tumalon mula sa bintana ng 27-storey apartment building.

Read more...