Moratorium sa mga Pinoy workers sa Qatar, binawi ng DOLE
Binawi na ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang moratorium sa pagpapadala ng Filipino workers sa Qatar.
Ayon kay Bello, bunga ito ng pakikipagkonsulta kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayteno at sa naging rekomendasyon ng Philippine Overseas Labor Office sa Qatar.
Ayon kay Bello, sinabi sa kanya ni Labor Attaché David Des Dicang ng the Philippine Embassy sa Qatar na normal na ang sitwasyon doon.
Katunayan, hiniling umano nila na ituloy na ang pagpapadala ng mga bagong hired workers sa Qatar lalo na ang mga magtatrabaho sa Philippine School Doha (PSD) at Philippine International School-Qatar (PISQ).
Meron aniyang 28 na bagong teachers at 20 bus drivers ang magtatrabho sa PSD at 51 new teachers sa PISQ ang naka-pending ang aplikasyon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Patuloy naman ang pakikipag ugnayan ng POLO sa Qatari authorities para naman sa repatriaion ng distressed OFW.
Pero ayon kay Bello, ginagarantiya ng Qatari government ang kaligtasan ng may 240,000 Pilipino na nasa Qatar.
Matatandaang noong nakaraang linggo lamang, pansamantalang ipinatigil ni Bello ang pagpapadala ng Filipino workers sa Qatar matapos putulin ang pakikipag-ugnayan ng ibang bansa sa Middle East dahil sa umano’y pagsupprta ng Qatar sa mga terorista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.