Foreign journalist, sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala sa Marawi City
By Dona Dominguez-Cargullo June 15, 2017 - 11:59 AM
Isang foreign journalist na nagco-cover ng kasalukuyang kaguluhan sa Marawi City.
Si Adam Harvey ng Australian Broadcasting Corporation ay tinamaan ng bala sa kaliwang bahagi ng leeg.
Pinaniniwalaang galing sa mga sniper ng Maute group ang tumamang bala kay Harvey.
Nasa loob ng Lanao del Sur Capitol Complex ang dayuhan nang tamaan ng bala.
Daplis lamang naman ang tama kay Harvey pero dinala isinugod ito sa Amai Pakpak hospital para malapatan ng lunas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.