LRT-1 nagpatupad ng shortened operation dahil sa kahina-hinalang bagahe sa Roosevelt station
Naantala ang biyahe ng line 1 ng Light Rail Authority o LRT Hubwenes ng umaga (June 15).
Sa abiso ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Cesar Chavez, nagpatupad ng shortened operation sa LRT 1 makaraang may makitang kahina-hinalang bag sa Roosevelt station.
Ayon kay LRT 1 operations manager Engr. Rod Bulario, iniwan sa loob ng isang tren sa Roosevelt station ang bag.
Dahil dito, ilang minuto na Baclaran to Minumento at pabalik lang ang naging biyahe ng tren.
Matapos na mabuksan at makumpirmang pawang damit lamang ang laman ng bagahe ay bumalik na sa normal ang operasyon ng LRT 1.
Nabatid na isang Chinese national ang may-ari ng naiwang bag at ang laman nito ay pawang bagong pantalon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.