BREAKING: Maute bomber, naaresto sa Cagayan de Oro City

Naaresto ng mga otoridad sa Cagayan De Oro City ang wanted na Maute bomber na si Mohammad Noaim Maute alyas Abu Jadid.

Si Abu Jadid ay nadakip alas 6:30 ng umaga ng Huwebes (June 15) sa Macasandig, Cagayan De Oro City.

Dinala na sa istasyon ng pulis sa Macasandig si Abu Jadid para sa documentation.

Kinumpirma naman ng suspek na siya ang nasa larawan ng wanted persons ng Cagayan de Oro City Police na tinukoy bilang Abu Jadid.

Noong Sabado, nagbabala ang pulisya sa mga residente sa nasabing lungsod hinggil sa presensya ng dalawang Maute bombers.

Kabilang sa tinukoy si Abu Jadid at si Mohammad Reza Kiram alyas Abdulrahman.

Ipinakalat din ng Cagayan de Oro City Police Office sa social media at sa kanilang nasasakupan ang larawan ng dalawang suspek.

Samantala, ayon kay National Security Expert Prof. Rommel Banlaoi, hindi kasama sa hierarchy ng mga Maute ang naarestong suspek.

Isa aniya si Abu Jadid sa mga sinanay para maghasik ng karahasan kabilang na ang pambobomba.

Read more...