Hong Kong resident na umano’y casino financier, patay sa pananambang sa Baclaran

By Cyrille Cupino June 15, 2017 - 04:20 AM

 

Patay ang isang Hong Kong resident matapos tambangan sa Baclaran, Parañaque City.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Chong Weng Sum, 60 anyos, residente ng Binondo, Maynila at sinasabing isang casino financier.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na nakatayo lamang ang biktima sa kanto ng Airport Rd. at Mactan St. habang naghihintay ng taxi nang lapitan ng isang lalaki at pinagbabaril sa ulo.

Itinakbo pa sa San Juan de Dios Hospital ang biktima, pero idineklara ring dead-on-arrival.

Ayon sa girlfriend ng biktima na kinilala lamang sa pangalang ‘Maria’, noong linggo pa sila naka-check in sa Baymond Hotel, dahil naglalaro sila sa City of Dreams ilang kilometro lang ang layo mula sa kanilang hotel.

Ayon kay alyas ‘Maria’, financier sa casino ang kanyang boyfriend, at madalas rin itong nagsusugal.

Marami rin umano itong mga pautang sa ilang casino players, at isa sa tinitignang anggulo ngayon ng pulisya ang away sa negosyo ng biktima.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang motibo, at kung sino ang nasa likod ng pagpatay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.