Alvarez, patuloy na binabalewala ang utos ng CA sa writ of habeas corpus sa 6 na Ilocos Norte officials

By Jay Dones June 15, 2017 - 04:24 AM

 

Nagmatigas si House Speaker Pantaleon Alvarez sa pagtanggi nito na sundin ang kautusan ng Court of Appeals na iprisinta ang anim na opisyal ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte na nakadetine sa Kongreso simula pa noong nakaraang linggo.

Ang anim na opisyal ay una nang pinatawan ng ‘contempt’ ng Kongreso matapos mabigong sagutin sa isang inquiry ang mga katanungan ukol sa umano’y maling paggamit ng tobacco funds ng Ilocos Norte noong 2011.

Dahil dito, ipinag-utos ni Ilocos Norte rep. Rodolfo Fariñas na idetine ang anim sa detention facility ng Mababang Kapulungan.

Bunsod nito, dumulog ang kampo ng anim na opisyal sa Court of Appeals na nagpalabas naman ng writ of habeas corpus upang iprisinta sa hukuman ng Kongreso ang mga ito.

Gayunman, hindi natinag si Alvarez at hindi ipinrisinta ang anim sa Fourth Division ng Appellate Court.

Dahil dito, pinagpapaliwanag ng Court of Appeals at ang Office of the Sergeant at Arms kung bakit hindi nito sinunod ang naturang kautusan.

Ngunit sa halip na tumalima, lalong nagmatigas ang House Speaker.

Sa kanyang text message sa mga mamamahayag, tinawag pang-‘gago’ ni Alvarez ang tatlong huwes ng Court of Appeals na nagpalabas ng kautusan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.