Publiko hindi dapat mabahala sa kalusugan ng pangulo-Sotto

By Ruel Perez June 15, 2017 - 04:23 AM

Hindi dapat na mag-alala ang publiko kung hindi dumadalo ngayon ang Pangulong Rodrigo Duterte sa mga okasyon.

Ayon kay Senador Vicente Tito Sotto III, hindi dapat mabahala ang publiko sa kalusugan ng pangulo hangga’t walang ipinapahayag ang palasyo ukol dito.

Tiwala ang senador na kung may matinding karamdaman ang pangulo agad itong ipapaalam ng Malacañang sa publiko.

Paliwanag pa ni Sotto walang dapat na ikaalarma ang mamamayan kung hindi nakakadalo ang pangulo sa mga okasyon na posibleng may ibang dahilan bukod sa kalusugan.

Matatandaang dumalo noong nakaraang Lunes ang Pangulo sa Luneta Grandstand sa ika 119 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Ayon naman kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano na siyang humalili sa pangulo, masama ang pakiramdam ng pangulo dahil napuyat ito sa lamay sa mga nasawing sundalo sa bakbakan sa Marawi City laban sa Maute terrorist group.

Wala ring schedule si Pangulong Duterte kahapon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.