U.S Navy nag-alok ng tulong sa militar kontra Maute at Abu Sayyaf Group

By Chona Yu June 14, 2017 - 03:56 PM

Inquirer file photo

Nakahanda ang U.S Navy na magbigay ng anumang uri ng ayuda kung kinakailangan sa mga sundalong nakikipagbakbakan ngayon sa maute at Abu Sayyaf group sa Marawi City.

Ayon kay Navy Chief Vice Admiral Ronald Joseph Mercado, bunga ito ng kanyang pakikipagpulong kahapon kay Admiral Scott Swift ang pinuno ng U.S Navy Fleet sa Asia Pacific region.

Ipinaliwanag ni Mercado na suportado ng Amerika ang anti-terrorism campaign ng Armed Forces of the Philippines sa Marawi City.

Bukod dito, sinabi ni Mercado na nakahanda rin ang U.S na magbigay ng training sa Philippine Navy lalo na sa makabagong mga kagamitang pandigma.

Nagpaabot din aniya ng pakikiramay si Swift sa mga pamilyang naiwan ng mga tauhan ng Philippine Marines na nasawi sa Marawi City.

Nilinaw naman ni Mercado na anumang gagawing kahilingan ng Philippine Navy sa Amerika ay kinakailangan na dumaan muna sa mga operational commanders.

TAGS: Abu Sayyaf, Maute, navy, scott swift, U.S fleet, Abu Sayyaf, Maute, navy, scott swift, U.S fleet

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.