Sa Mindanao Hour, sinabi ni Armed Forces of the Philippines o AFP Spokesperson Brig. General Restituto Padilla na hindi niya maintindihan kung bakit pinalalaki pa ang pagbibigay-ayuda ng Amerika.
Ayon kay Padilla, humingi ng tulong ang AFP sa US dahil walang sapat na kakayahan ang ating pamahalaan.
Kung eksperyensya rin tungkol sa paglaban sa terorismo, mayroon nito ang US.
Sa ngayon aniya, sinisikap naman ng gobyerno na bumili ng mga kagamitam na magbibigay ng kapasidad sa sandatahang lakas upang matugis ang mga terorista o banta sa bansa.
Dagdag ni Padilla, bukas ang pamahalaan na kumuha ng tulong, hindi lamang mula sa Amerika, kundi sa iba pang mga bansa.
Sa kasalukuyan, technical support lamang ang naibibigay ng mga sundalong Amerikano na nasa Marawi City dahil hindi sila puwedeng sumama sa combat at surgical operations.