Rice importation policy ng pamahalaan binusisi sa Senado
Sumalang sa imbestigasyon ng Senate Agriculture Committee na pinamumunuan ni Sen. Cynthia Villar ang ilang kaso ng iligal na rice importration.
Partikular na tinutukan ng imbeastigasyon ang kawalan ng mga kaukulang import permit ng ilang mga negosyante.
Gusto kasing busisisiin ng komite kung bakit nagkakaroon ng importation gayung may sapat naman suplay ng bigas sa bansa.
Nais din imbestigahan at matiyak sa pagdinig kung kailan dapat magkaroon ng importation ng bigas sa pamamagitan ng pagtantya sa rice consumption at rice production base naman sa bilang ng populasyon.
Aalamin din ng komite kung magkakaroon ng pagtutugma ang produksyon ng bigas sa buffer stock para sa buong isang taon sa projected na consumption ng mga Filipino.
Sa pagtaya, dapat ay tutugma ang dami ng konsumo ng bigas at buffer stock sa magiging bilang o dami ng rice importation.
Dumalo sa hearing sina Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr. na may supervision sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno kabilang ang NFA, Tomas Escarez Deputy Administrator ng NFA at Bureau of Custom Commissioner Nicanor Faeldon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.