P10 Billion supplemental budget para sa Marawi City inihain na sa Kamara

Inquirer photo

Ikinalugod ang Malacañang ang panukala sa Kamara na P10 Billion na supplemental budget para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Sa briefing sa Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na isang ‘welcome development’ ang House Bill 5874 o tinatawag na ‘Tindig Marawi Bill’.

Sa ilalim ng panukala na inihain ni Kabayan Partylist Rep. Harry Roque, ang P10 Billion supplemental fund ay hahatiin sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na mangunguna sa Marawi rehabilitation tulad ng DND, DPWH, DSWD at National Housing Authority.

Sakop nito ang humanitarian assistance para sa mga apektadong residente, rehabilitasyon ng mga nasirang imprastraktura at ari-arian at pagbabalik ng peace and order siyudad.

Ang House Bill ay inihain kasunod ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterre na paglalaan ng P10 Billion pesos na pondo para sa Marawi rehab plan.

Nauna nang sinabi ni Abella na nagkausap na sila ni House Committee on Approproations Chairman Karlo Alexi Nograles kaugnay sa rehabilitation program ng gobyerno para sa pagbangon ng Marawi City na sinalakay ng teroristang Maute at Abu Sayyaf Group.

Read more...