Kasong rebelyon laban sa ina ng magkapatid na Maute at 10 iba pa, isinampa na sa korte

By Len Montaño June 14, 2017 - 12:33 PM

Nagsampa ang Department of Justice (DOJ) ng kasong rebelyon laban sa labingisang indibidwal kabilang ang ina ng magkapatid na Maute at isang dating mayor kaugnay ng gulo sa Marawi City.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, kinasuhan si Farhana Maute, dating Marawi City Mayor Fajad Salic at siyam na iba pa sa Misamis Oriental Regional Trial Court.

Kinasuhan din sina Sumaya Bangkit Masakal, Radiea Tugosa Asire, Mariam Ibnu Abubakar, Zafeerah Rosales Musa, Nehreen Macaraya Abdul, Nora Moctar Limgas, Mardiyya Haji Ali, Sumayya Lawi Ali, at Noronisa Haji Camal.

Hindi pa alam ni Aguirre kung kaninong hukom na-raffle ang kaso.

Nagsampa ng kaso ang DOJ prosecutors matapos makitaan ng probable cause na ang mga akusado ay nakipagsabwatan sa ISIS-inspired Maute group sa pagsasagawa ng rebelyon laban sa gobyerno.

 

 

TAGS: farhana maute, Marawi City, Maute Brothers, rebellion, farhana maute, Marawi City, Maute Brothers, rebellion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.