London Fire Dept: May mga patay sa nasunog na Grenfell Tower
(Update) Iniulat ng Londo Fire Department Commissioner Dany Cotton na may mga namatay sa malaking sunog na tumupok sa Grenfell Tower sa North Kensington sa London.
Pero tumanggi naman ang opisyal na sabihin ang bilang at detalye ng pagkamatay ng nasabing mga biktima.
Abot naman sa 125 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang masunog ang nasabing 27 palapag na gusali.
Sa panayam ng media sa London, sinabi rin ni Cotton na umaabot na sa 50 katao ang kasalukuyang ginagamot sa mga ospital dahil sa tinamo nilang mga injuries kaugnay sa sunog.
Umabot sa 200 bumbero at 40 fire engineers ang rumesponde sa nasabing sunog sa Grenfell Tower.
Agad ding inilikas ang mga nakatira sa gusali at nagtulong-tulong ang mga otoridad para mailabas ang mga na-trap na residente.
Itinuturing ng London Fire Brigade na “large at very serious” ang insidente ng sunog dahil sa sobrang laki ng apoy na hanggang ngayon ay tumutupok sa kabuuan ng gusali.
Nakikipag-ugnayan naman ang Department of Foreign Affairs sa mga opisyal ng London para alamin kung may mga Pinoy na nadamay sa sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.