10 ang patay sa aksidente sa Davao City

By Dona Dominguez-Cargullo June 14, 2017 - 11:27 AM

Sampu ang nasawi at anim na iba pa ang sugatan sa aksidenteng naganap sa Davao City, Miyerkules ng umaga.

Sangkot sa aksidente ang isang pampasaherong van at truck na naganap sa bahagi ng Mahayag Tibungco.

Biyaheng Moncayo, Compostela Valley patungong Davao ang ang van nang ito ay bumangga sa isang truck.

Dahil sa lakas ng impact, agad binawian ng buhay ang 10 pasahero ng van na karamihan ay lalaki.

Dinala na ang mga nasugatang pasahero sa Southern Philippines Medical Center (SPMC).

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing pangyayari.

 

TAGS: accident, Davao City, ttruck, van, accident, Davao City, ttruck, van

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.