Pangulong Duterte wala pa ring schedule ngayong araw

By Isa Avendaño-Umali June 14, 2017 - 10:47 AM

Mistulang sinusulit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang “private time.”

Ito ay dahil hanggang ngayong araw ng Miyerkules ay no-show sa media ang presidente.

Nabatid na nagpasabi siya noon na dadalo sa anibersaryo ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa Quezon City.

Ngunit sa latest na advisory ng Malakanyang, uuwi ngayong araw si Duterte sa Davao City at hindi na makakapunta sa PDEA anniversary.

Bukod dito, wala nang ibang opisyal na iskedyul ang pangulo.

Matatandaan na hindi present si Duterte sa kauna-unahang Independence Day celebration ng kanyang administrasyon sa Rizal Park, sa rason puyat at pagod ang pangulo dahil sa pagdalaw sa mga sugatang sundalo at personal na pakikiramay sa mga kaanak ng mga nasawing tropa ng gobyerno sa Marawi City.

Ayon kay DFA Sec. Alan Peter Cayetano, nothing to worry sa kalusugan ni Duterte habang ani Presidential Spokesperson Ernesto Abella, excellent in health ang presidente at kailangan lamang na magpahinga.

 

 

TAGS: president duterte, rodrigo duterte, president duterte, rodrigo duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.