WATCH: Pagpatay sa opisyal ng BIR sa QC nakuhanan ng CCTV

(UPDATE) Patay sa pamamaril ang isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa West Avenue sa Quezon City.

Kinilala ng kaniyang mga kasamahan ang biktima na si Albert Enriquez, chief ng assessment division ng BIR Revenue District number 38.

Sa imbestigasyon, kabababa lamang ng kaniyang sasakyan na kulay puting Hyundai Santa Fe ni Enriquez nang siya ay barilin sa ulo ng suspek.

Pumarada noon ang biktima sa harapan ng Ambianza Apartelle kung saan madalas siyang pumaparada bago pumasok sa BIR office sa West Avenue.

Sakay ng motorsiklo ang dalawang suspek, at ang gunman ay nakitang nakadilaw na t-shirt, maong pants at face mask.

Sa CCTV footage ng apartelle bago pa man bumaba ng sasakyan ang biktima ay nakaabang na ang dalawang suspek.

Nang bumaba ng sasakyan si Enriquez at habang kinukuha ang kaniyang polo ay doon na siya nilapitan ng gunman at saka binaril.

Kuha ni Jomar Piquero

 

Read more...